Imus, Nagdiwang ng Ika-7 Taong Anibersaryo ng Pagiging Lungsod

Imus, Nagdiwang ng Ika-7 Taong Anibersaryo ng Pagiging Lungsod

Sa ika-pitong taong anibersaryo ng pagiging lungsod ng Imus noong ika-30 ng Hunyo iba’t ibang programa ang isinagawa ng pamahalaang lokal upang kilalanin ang kontribusyon ng iba’t ibang sektor sa patuloy na kaunlaranng tinatamasa ng lungsod.

Una na rito ang Recognition Day kaisa ang Imus Schools Division Office (DepEd Imus) noong ika-30 ng Hunyo sa Imus Sports Complex. Dito kinilala ang mga natatanging Imuseño na nagsipagtapos sa elementarya, sekondarya at kolehiyo ng may karangalan. Kasama rin dito ang mga Imuseñong nakapasa sa kani-kanilang licensure examination.

Kaisa sa isinagawang programa si Dr. Mark Rieson P. Romero bilang panauhing tagapagsalita. Sa kanyang mensahe, kanyang inilihad ang kanyang istorya ng tagumpay at ang paghimok sa bawat isang Imuseño, at mga kapwa niya pinarangalan na maging instrumento at kabahagi ng pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyo sa mga kababayang nangangailangan.

Lubos naman ang pasasalamat ni Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi sa patuloy na pagsusumikap at pagpapahalaga sa edukasyon ng mga kabataang Imuseño. Aniya, ang tagumpay na nakamit ng bawat isa ay tagumpay rin ng buong lungsod.

Ang bawat isang pinarangalan ay naghatid rin ng kanilang donasyong mga libro bilang tulong sa pag-aaral ng mga mamamayang Imuseño.

Bukod sa mga mag-aaral at kabataang Imuseño, kinilala rin ang top ten (10) business at real property taxpayers noong ika-lima ng Hulyo sa Okada Manila Ballroom 3 sa kanilang kontribusyon sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng Imus.

Naging instrumento rin ang mga ito sa pagkakakilala sa Imus bilang 3rd Most Economically Dynamic City sa buong bansa.

Ang pagdiriwang ng ika-pitong anibersaryo ng Imus ay nagsilbing pagbabalik-karangalan sa mga mamamayang nasa likod ng tagumpay na patuloy na nakakamit ng lungsod ngayon.

 

Top 10 Business Taxpayers

  1. Alfamart Trading Philippines Inc.
  2. Ayala Land Inc.
  3. San Miguel Yamamura Asia Corp.
  4. PMFTC Inc.
  5. Liwayway Marketing Corp.
  6. Puregold Price Club, Inc.
  7. Rustan’s Supercenter Inc.
  8. Kareila Management Corporation
  9. Maynilad Water Services Inc.
  10. Isuzu Automotive Dealership, Inc.

Top 10 Real Property Taxpayers

  1. San Miguel Yamamura Asia Corp.
  2. Ayala Land Inc.
  3. Property Company of Friends, Inc.
  4. Manila Electric Company
  5. Liwayway Marketing Corp.
  6. Chan C. Brothers, Inc.
  7. Cavite Commercial Town Center (The District Imus)
  8. Robinsons Land Corporation
  9. East Biñan Properties, Inc.
  10. Jacinto L. Ng, mrd. to Anita Ng

Special Awards

  1. Eds Manufacturing, Inc.
  2. Manila Electric Company

371total visits,165visits today

Add Comment