Imus, Kabahagi ng National Simultaneous Earthquake Drill

Imus, Kabahagi ng National Simultaneous Earthquake Drill

Setyembre 27, 2017 – Sa pangunguna ng Imus City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), ang Lungsod ng Imus ay aktibong nakiisa sa 3rd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED).  Ang mga pangunahing lokasyong masasakop ng drill ay ang city plaza, Imus City Hall, Nueno Avenue, Imus Institute at Imus Pilot Elementary School.  Tinatayang may 15,000 katao ang lalahok sa aktibidad kabilang ang mga kawani ng lokal na pamahalaan, mga mag-aaral at guro at mga residente.

Ang ground shaking simulation o ang pagyanig ng lupa ay hudyat ng alarma sa ganap na ika-2 ng hapon, kung kailan ang mga lumahok ay sabay-sabay na nagsanay ng pag- duck, cover and hold, bilang pangunahing aksyon sakaling lumindol.  Matapos ito ay lumikas ang mga kalahok sa Imus Sports Complex at Imus Pilot Elementary School, na silang mga itinalagang safe open grounds na dapat puntahan ng mga tao matapos ang pagyanig.  Nagkaroon din ng demonstration ng emergency response and rescue techniques gamit ang rescue vehicles at iba pang kagamitan hindi lamang para maipakita sa mamamayan ang kahandaan kundi para na rin mas hasain pa ang kakayahan ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang kalamidad na maaring maganap.

Sa isinagawang preparasyon, kaisa ang iba’t ibang tanggapan tulad ng City Engineering Office, General Services Office, Traffic Management Office, City Information Technology and Records Management Unit, Civil Security Unit, City Information Office, Red Cross, Bureau of Fire Protection, at Kabalikat Civic-Com sa isinagawang National Simultaneous Earthquake Drill.  Ito ay sabayang isinagawa sa iba’t ibang bayan at lugar sa buong bansa sa pangunguna ng Office of Civil Defense bilang bahagi ng paghahanda sakaling dumating ang The Big One o ang malakas na lindol na sinasabing maaring magdala ng malawakang pinsala sa buong kapuluan.

Ang kaalaman at kahandaan sa panahon ng sakuna ay malaki ang magagawa upang mapanatii ang kaligtasan ng mga mamamayan at mabawasan ang kapahamakan sa mga tao at lugar na maaring maapektuhan ng kalamidad.  Kaya naman puspusan din ang pagbigay ng impormasyon tungkol dito para sa partisipasyon ng mga mamamayan dahil sa Imus #BidaAngHanda.

13total visits,1visits today

Add Comment