Imus City Library, Itinanghal bilang 3rd Place Outstanding Public Library sa Buong Bansa

Imus City Library, Itinanghal bilang 3rd Place Outstanding Public Library sa Buong Bansa

Masayang tinanggap ng Imus City Library sa pangunguna ni Bb. Rose Roman ang pagkilala mula sa National Library of the Philippines at National Commission for Culture and the Arts – National Committee on Library and Information Services (NCCA-NCLIS) noong ika-28 ng Nobyembre 2018 sa City Garden Suits Hotel, Manila.

Kahanga-hanga ang ipinamalas ng Imus City Library sa pagsasagawa ng mga programang nagpapakita ng “Malasakit” sa iba’t ibang sektor na siyang tema ng patimpalak.

Kabilang dito ang pagkakaroon ng modernong serbisyo kagaya ng Online Public Access Catalog (OPAC) na siyang tumutulong sa mga mamamayan na mapabilis sa paghahanap ng libro na nasa 7,000 bilang.

Bago pa man kilalanin ang Imus City Library bilang isa sa mga natatanging public library sa bansa, nabigyan na rin ito ng pagkilala noong taong 2017 bilang Most Innovative Library in the Philippines in Digital Literacy Services mula sa Beyond Access Philippines. Bunga ito ng Digital Literacy Program ng tanggapan para sa iba’t ibang sektor.

Kasabay ng parangal na naiuwi ng Imus City Library ay ginawaran din si Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi ng Plaque of Recognition para sa dedikasyon nito at mahusay na pagsasagawa ng mga programa para sa kaunlaran at pangangalaga ng pampublikong silid-aklatan.

Ang pagkilalang ito ay nagsisilbing patunay sa mahusay na pamumuno at epektibong programa ng Pamahalaang Lungsod at ng Imus City Library para sa pagpapadama ng malasik sa mga kapwa Imuseño.

46total visits,1visits today