Imus, 7th Most Competitive Component City sa Buong Bansa ayon sa CMCI 2018

Imus, 7th Most Competitive Component City sa Buong Bansa ayon sa CMCI 2018

Hinirang ngayong taon ang Lungsod ng Imus bilang 7th Most Competitive Component City at 3rd in Economic Dynamism para sa parehong kategorya (component cities) sa buong bansa.  Umaangat ito mula sa ika-pito noong nakaraang taon, ayon sa Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) 2018 ranking na isinagawa ng National Competitiveness Council (NCC).  Dahil base sa mga pinakahuling nakalap na “hard data” at walang porsyento para sa subjective input tulad ng poll o opinyon, ang CMCI ay itinuturing na pinakamapagkakatiwalaang panukat ng competitiveness ng mga lokal na pamahalaan sa kasalukuyan.  Kaya naman ang mapabilang sa top ten ay isang malaking karangalan at pagkilala sa positibong epekto ng mga proyektong pangkaunlaran ng isang local government unit (LGU).

Sa 23 na munisipalidad at lungsod sa Lalawigan ng Cavite, nanatiling Most Competitive City ang Imus at patuloy na nangunguna sa iba’t ibang larangan. Patunay dito ang mga parangal na iginawad sa lungsod ng mga pampublikong ahensya at pribadong institusyon.

Dumalo sina Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi, Ikalawang Punong Lungsod Ony M. Cantimbuhan, miyembro ng Sangguniang Panlungsod at piling department at unit heads upang tanggapin ang pagkilala sa Philippine International Convention Center (PICC) kung saan ginawa ang Regional Competitiveness Summit at Awarding Ceremonies para sa CMCI 2018 noong August 16, 2018.

Ang NCC ay binubuo ng mga personalidad mula sa pamahalaan at pribadong sektor at pinangangasiwaan ng Competitiveness Bureau ng Department of Trade and Industry.  Layunin ng CMCI na makapagbigay sa mga stakeholders, kabilang na ang pamahalaan, ang pribadong sektor at ang akademya, ng ng konkretong basehan para sa iba’t ibang adhikain gaya ng pagnenegosyo sa isang lugar, pagpa-plano ng mga proyekto, at maging para research.

Ang competitiveness ng isang lokal na pamahalaan ay sinusukat sa pamamagitan ng apat na pamantayan o pillars na itinalaga ng NCC: Economic Dynamism o patuloy na lago ng lokal na ekonomiya, Government Efficiency o mahusay na paghahatid ng serbisyo ng lokal na pamahalaan, Infrastructure at Resilience o kahandaan sa panahon ng mga kalamidad at sakuna.   Kung ikukumpara sa kapwa-LGU sa buong rehiyon ng CALABARZON, nangunguna ang Imus sa Economic Dynamism, at Most Competitive naman sa buong lalawigan ng c

Mula sa kasalukuyang rank ng Imus, masasabing maayos na nagagampanan ng kasalukuyang administrasyon ang tungkulin nito sa mga mamamayan at negosyante, ngunit nananatili pa rin ang areas for improvement na isinasaalang-alang naman ng city government sa mga susunod pa nitong mga proyekto.  Sa patuloy na pagsusumikap ng ating mga lingkod-bayan at mga kawani, gayundin ang patuloy na pakikipagtulungan ng pribadong sektor, hindi malayong tumaas pa ang ranggo ng Imus sa darating pang mga taon.

201total visits,3visits today