Ikalawang taon ng libreng UPCAT Review, Isinagawa

Ikalawang taon ng libreng UPCAT Review, Isinagawa

Ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pangunguna ng Youth Affairs Office ay naglunsad ng libreng UPCAT Review noong ika-10 ng Agosto sa The District Imus- Training Center bilang bahagi ng pagdiriwang ng Youth Month tuwing buwan ng Agosto.

Ang UPCAT o University of the Philippines College Admission Test ay qualifying test para sa mga estudyanteng nagnanais na makapag-aral sa University of the Philippines (UP). Ito ay may apat na substest; Language Proficiency, Science, Mathematics at Reading Comprehension. Ang libreng serbisyo ay isinagawa sa lahat ng Sabado ng Agosto kung saan nakiisa ang mahigit isang daang kabataan.

Bilang isa sa mga prayoridad ang edukasyon ng mga mamamayan, nais ni Mayor Maliksi na mabigyan ng epektibong serbisyo ang lahat ng mag-aaral ng Imus na nagnanais na makapag-aral sa alin man sa siyam na UP campus.

Sa ikalawang taon ng programa, higit na magandang oportunidad ang inihatid sa mga kabataang Imuseño upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at makamit ang kanilang mga pangarap.

67total visits,1visits today

Add Comment