Ika-7 Imus-Yeoncheon Student Exchange Program, Idinaos sa Lungsod

Ika-7 Imus-Yeoncheon Student Exchange Program, Idinaos sa Lungsod

Korean delegates mula sa Yeoncheon County kasama si Hon. City Mayor Emmanuel L. Maliksi

Pagbati ni Mayor Maliksi sa mga bisita mula sa sister city ng Imus, Yeoncheon County.

LUNGSOD ng Imus – Noong ika-12 ng Enero bumisita sa lungsod ang mga mag-aaral mula sa sister city ng lungsod sa South Korea para sa ika-pitong (7) Imus-Yeoncheon Student Exchange Program.

Nasa 12 ang mga delegado na masayang nakibahagi sa programa ng lungsod kasama sina Mr. Kim Jong Uk at Mr. Koo Myong Mo na nakatalaga sa International Affairs ng kanilang lungsod at nangangalaga sa mga mag-aaral ng Yeoncheon.

Noong Disyembre 2017, nagpadala rin ang lungsod ng delegasyon sa South Korea mula sa piling miyembro ng Imus Youth Leadership Development Program (IYLDP) upang mapalawak pa ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba pang kultura at programa na maaari nilang baunin at isagawa sa lungsod.

Ang buong programa ay kinapapalooban ng iba’t ibang aktibidad na sumasalamin sa kultura ng mga Pilipino kagaya ng pagbisita sa iba’t ibang historical sites sa Cavite na nagpapakita sa malaking bahagi nito sa kasaysayan ng Pilipinas.

Sa huling bahagi ng programa, isinagawa ang farewell dinner upang pasalamatan ang mga mag-aaral at ang buong delegasyon ng Yeoncheon sa kanilang pagbisita at pakikiisa sa mga programa ng dalawang pamahalaan. Ipinapamalas din dito ang husay at talento ng mga Imuseño sa pag-awit at pagsayaw tampok ang mga natatanging kultura ng bansa.

Ang programang ito ng Pamahalaang Lungsod ay nagsimula noong taong 2009 sa pangunguna ng International Affairs Unit. Ngayon, patuloy ang pagsusumikap ng pamahalaang lokal na mapatatag ang ugnayan ng dalawang lungsod at bumuo ng programa para sa pagpapayabong ng kultura, sining, turismo at edukasyon ng dalawang bayan.

Inaasahan na magpapatuloy ang maganda at matatag na ugnayan ng dalawang lungsod para sa pagbuo ng iba’t ibang programa.

665total visits,2visits today