Ika-10 Batch ng IYLDP, Inilunsad

Ika-10 Batch ng IYLDP, Inilunsad

Lungsod ng Imus – Noong Agosto 2 inilunsad ang ika-10 batch ng Imus Youth Leadership Development Program (IYLDP) sa pamamagitan ng isang orientation sa Robinson Place Imus Activity Area.

Nakiisa sa nasabing programa ang humigit kumulang 95 na mag-aaral mula sa 25 na paaralan sa lungsod.

Kabilang sa mga paaralang nakilahok sa programa ay ang Maranatha Christian Academy, Our Lady of the Pillar Catholic, Saint Simon of Cyren Academy, Seriah Academy Inc., Shammah Christian School, Southwoods School of Cavite, St. Emilene Academy, St. Martha Montessori School, St. Odillard School, The Thomas Aquinas Institute of Learning, Unida Christian Colleges, Angelicum Primarosa Montessori School, Benedictine Institute of Learning, Cachapero Learning School, Casa Real Montessori School, Del Pilar Academy, Fiat Lux Academe, Gen. Emilio Aguinaldo National High School, Haven of Wisdom Academy, Imus National High School, Josiah Christian Values High School, La Trinidad Academy at La Verne Academy.

Bahagi ng isinagawang talakayan ang paghahanda sa mga mag-aaral sa mga isasagawa pang lectures, workshops at outdoor activities upang mahasa ang kanilang mga kakayahan sa pamumuno at upang higit na maging kaisa ng Pamahalaang Lungsod sa pagasagawa ng mga programa at paghahatid ng epektibong serbisyo sa mga mamamayan.

Ang IYLDP ay nabuo sa pangunguna ni Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi noong taong 2008 dahil ito ay naniniwala sa kakayahan at kontribusyon ng mga kabataang Imuseño.

242total visits,1visits today

Add Comment