Iba’t Ibang Serbisyo Handog para sa Buwan ng Kababaihan

Iba’t Ibang Serbisyo Handog para sa Buwan ng Kababaihan

Pagbibigay ng mensahe ni Mayor Maliksi sa programang isinagawa para sa mga babaeng empleyado ng Pamahalaang Lungsod

 

Dalainne Pangan

Ang buwan ng Marso ay selebrasyon ng Buwan ng mga Kababaihan kung saan ito ay higit na pinasaya ng mga programa ng Pamahalaang Lungsod para sa mga kababaihang Imuseño.

Sa pagdiriwang na ito ay nabibigyan pansin ang ambag at husay ng mga kababaihan bilang  ilaw ng tahanan, guro, estudyante at bilang indibidwal na nagsisikap na makaraos at makamit ang buhay na ninanais. Ang buwan ng Marso ay inilaan upang mabigyan ng boses ang bawat kababaihan at maitaas ang kanilang antas sa lipunan.

Sa pumumuno nina Hon. City Mayor Emmanuel L. Maliksi, Hon. Congressman Alex “AA” L. Advincula, Hon. City Vice Mayor Arnel “Ony” M. Cantimbuhan at Hon. Councilor Eunice Ferriol-Quizol na tumatayong Chairperson ng Committee on Women and Family Welfare, matagumpay na naisagawa ang isang buwang programa na

Sa ilalim ng temang “We Make Change Work For Women” naganap ang mga aktibidad para sa mga kababaihang Imuseno. Unang una rito ay ang Flag Raising Ceremony na idinaos kasama ang iba’t ibang grupo ng mga kababaihan na dadalo sa nasabing selebrasyon.

Ilan sa mga organisayong nakikilahok sa nasabing selebrasyon ay kinukumpanya ang kanilang matagal ng laban sa violence against women and children.

Nagkaroon din ng Half-Day si Juana para sa mga babaeng empleyado ng Munisipyo noong ika-8 ng Marso, kasabay nito ay ang pagbibigay bulaklak sa mga kababaihan na tinawag na MOVE’s Flower Offering for Women sa loob ng mga mall sa Imus. Nagkaroon din ng COMELEC’s Satellite Registration for Women sa Robinson Mall.

Dati nang binibigyan diin ng pagdiriwang ito ang mabigyan ng magandang trabaho ang mga kababaihan mapalabas o loob man ng bansa. Dito rin ay maiaalis sila sa panganib ng forced labor at child labor.

Hindi naman mawawala sa pagdiriwang na ito ang Juana be fit & 1 Billion Rising na ginanap noong ika-11 sa Imus Sports Complex at ang Zumba Fest noong ika-14 sa loob naman ng Robinson Mall Imus. Sumali ang daan-daang kabataan at may-edad na babae sa dalawang nasabing programa.

Matapos ang gawaing pang kasiglahang pisikal ay nagsagawa naman ng libreng Pap Smear sa Malagasang 1C, Bayan Luma 7 at Buntis Congress sa Imus Sports Complex upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga kababaihan. Nagsimula ito noong ika-10, ika-18 hanggang ika-31 ng Marso saan nagkaroon pa ng Medical Mission sa Tanzang Luma 6 sa pangunguna ni Gov. Boying.

Iba’t ibang seminar din ang idinaos upang mapayabong ang kaalaman ng mga kababaihang Imuseno pagdating sa trabaho. Ginanap ang GAD Seminar noong 14 at 17 para sa mga opisyales ng Barangay. Mega Job Fair na may kasamang livelihood seminar ang isinagawa naman ng PESO noong ika-24 sa Robinsons.

Bilang pagtatapos ng selebrasyon, nagsagawa muli ng libreng Pap Smear at Dental Mission sa  Bureau of Jail Mgmt. And Penology sa Imus.

Iilan lamang ang mga ito sa mga aktibidad na ihinatid ng Pamahalaang Lungsod para sa mga kababaihan at maging ang mamamayan ng lungsod upang mas mapaunlad ang katayuan ng bawat isa at makapagbigay tulong sa mga Imusenong nangangailangan.

160total visits,1visits today

Add Comment