Husay at Kontribusyon ng mga Kabataang Imuseño, Kinilala sa OK Awards

Husay at Kontribusyon ng mga Kabataang Imuseño, Kinilala sa OK Awards

Mga natatanging Imuseño na pinarangalan sa Outstanding Kabataan (OK) Awards

Imus Sports Complex – Noong ika-24 ng Nobyembre kinilala sa isinagawang Outstanding Kabataan (OK) Awards ang mga kabataan, organisasyon at mga natatanging Imuseño na nagbigay ng malaking kontribusyon sa pamamagitan ng mga programang tumulong para sa patuloy na pag-unlad ng buhay ng mga mamamayan at ng Lungsod ng Imus.

Ito ang kauna-unahang OK Awards na isinagawa sa Lungsod ng Imus sa pangunguna ng Youth Affairs Unit bilang bahagi ng selebrasyon ng National Children’s Month ngayong Nobyembre.

Sa 78 na bilang ng mga nominado, 10 ang kinilala at nagwagi ng patimpalak sa iba’t ibang larangan. Kabilang na rito sina Ivan Medina, Jerome Alipasa at Emirie Advincula na nakakuha ng pinakamataas na pagkilala na Supreme Youth Leaders of the Year. Kasama rin ang IYLDP, JCI Imus Wagayway at EK Champions sa mga nakiisa sa isinagawang programa.

Masusi ring dumaan ang mga nominado sa screening na pinamumunuan ni Dulce S. Bustamante, Head ng Youth Affairs Unit at mga miyembro nito na sina Jose A. Cielos, Aniel John A. Santarin, Marx Nicholai Delmo, Rico Renze Regala, Maverick Romandi, Kim Aldwin Sañez, Angelika Paredes, Mikko Ilano, Giam Mapa at Ciaralyn Chio.

Tunay na hindi matatawaran ang husay at kontribusyon ng mga kabataan sa mga programang pangkaunlaran ng lungsod na umani ng maraming pagkilala. Ito ang nagsisilbing pundasyon sa pagbuo ng masaganang kinabukasan para sa mga kabataan at mga mamamayang Imuseño.

4280total visits,2visits today