GAD Bus Libreng Sakay para sa mga Imuseño

GAD Bus Libreng Sakay para sa mga Imuseño

Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at Gender and Development (GAD) Unit ang  Gender and Development (GAD) Bus Libreng Sakay para sa mga Imuseñong senior citizen, persons with disability (PWD), kababaihan at mga estudyante simula Nobyembre 19, 2018.

Sa unang linggo ng programa, bumabyahe ang GAD Bus simula 6:00 hanggang 9:00 ng umaga hanggang Baclaran mula sa apat (4) na pick-up points: Anabu Kostal (Puregold Anabu), Anabu Doyets (UCCP), Patindig Araw (Impreza) at Imus Toll Bridge (680 Building). Ito ay binubuo ng apat (4) na bus mula sa San Agustin Bus Co. na may kapasidad na humigit kumulang 70 katao.

Dahil sa patuloy na pagdami ng mga tumatangkilik sa programa at pagtaas ng bilang ng mga pasahero tuwing rush hour, dinagdagan ng Pamahalaang Lungsod ang bilang ng GAD Bus nito sa anim (6) at pinaaga nito ang oras, simula 5:30 hanggang 7:30 ng umaga.

Ang dating point-to-point nito, mula Imus hanggang Baclaran ay extended din hanggang Lawton para sa mas maalwang byahe ng mga Imuseño.

Binisita rin ni City Mayor Emmanuel L. Maliksi at Vice Mayor Ony M. Cantimbuhan ang paglulunsad ng programa upang masuri ang dami ng mga pasahero sa bawat pick-up points at malaman ang iba pang pangangailangan at ilang maaaring isagawa para sa ikaaayos ng daloy ng byahe.

Malaki rin ang ambag ng programa sa mga pasahero na bumabyahe pa-Maynila na lubos nilang pinagpapasalamat.

Ang programa ay nagtapos noong ika-28 ng Disyembre katuwang ang City Information Office (CIO), City Tourism and Development Office (CTDO), Civil Security Unit (CSU) at City of Imus Traffic Management Office (CITMO).

295total visits,2visits today