Farmer’s Week Celebration: Pagpapahalaga sa Agrikultura, may Magagawa ka

Farmer’s Week Celebration: Pagpapahalaga sa Agrikultura, may Magagawa ka

Ipinagdiwang ng Lungsod ng Imus ang Farmer’s Week na nagsimula noong ika-7 ng Oktubre tampok ang iba’t ibang programa para sa pag-unlad ng Agrikultura sa pangunguna ng City Agriculture Service Office.

Ang pagkikipagtulungan ng Farmer’s Information and Technology Services (FITS) Center ay nagbukas ng panibagong oportunidad para sa mga magsasaka para sa pagtangkilik ng mga mamamayan sa sariling produkto ng bansa. Nagsagawa ng iba’t ibang programa si Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi upang makiisa sa selebrasyon ng pagpapalaganap na makilala ang adhikain at misyon ng mga lokal na magsasaka.

Sa temang “Pagpapahalaga sa Agrikultura, may Magagawa ka,” masayang binuksan ang selebrasyon ng Farmer’s Week sa Imus Multipurpose Hall sa programa nito sa Organikong Gulayan sa Paaralan. Mula sa 35 na pampublikong paaralan sa Imus, ginawaran ang mga paaralan na may maayos, maganda at natatanging gulayan.

Ang produktong gulay at prutas na maitatanim ng mga estudyante sa kanilang paaralan ay magsisilbing dagdag kaalaman sa pagtatanim at pagpapahalaga sa kanilang kalusugan.

Layunin ng inisyatibong ito na hikayatin ang bawat paaralan na makiisa sa adhikain ng Pamahalaang Lungsod sa patuloy na pangangalaga at pagmamahal sa agrikultura.

Bumida rin ang iba’t ibang lokal na produkto sa Cavite sa isinagawang Agricultural Trade Fair na binuksan noong ika-7 ng Oktubre sa pangunguna ni City Mayor Emmanuel L. Maliksi, City Vice Mayor Ony M. Cantimbuhan at Miss Philippines Tourism Worldwide, Camille Ang

Ilan sa mga stalls na nakiisa ay; Burong kape ng Amadeo, Tinapa ng Tanza, General Trias Dairy Cooperative, Mendez, Anabu IG, Pasong Buaya, Legacy Project Organic Farming, Cavite Garden, Lola’s Calamansi Juice Drink, Longganisang Imus at produktong hatid ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO).

Samantala, inilunsad naman ang Agri-eskwela Caravan noong ika- 8 ng Oktubre sa SP Parking Lot. Ito ay proyekto na nakasentro sa Technical Skills on Urban Farming, katuwang ang mga mag-aaral sa bawat paaralan sa Lungsod ng Imus sa pagnanais na mapangalagaan ang kalikasan at matugunan ang problema sa Global Warming.

Noong ika-9 ng Oktubre ay naglunsad naman ng Training on Mushroom Production para sa pagbibigay ng kaalaman sa fruiting bags, spawn inoculation, at iba’t ibang mga produkto na mula sa kabute.

Bagama’t patuloy ang industriyalisasyon, nananatiling malaki ang pagpapahalaga ng Pamahalaang Lungsod sa Agrikultura. Patunay dito ang mga epektibong serbisyo at natatanging proyekto nito para sa mga magsasaka, gayundin ang promosyon ng organikong pagtatanim na bahagi ng Legacy Projects ng Punong Lungsod.

248total visits,1visits today

Add Comment