ECO CARAVAN

ECO CARAVAN

Sa tala ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), ang Lungsod ng Imus ay may 170, 432 kilo na solidong basura bawat araw, 5,112,960 kada buwan at 62,207,680 kilong basura sa loob ng isang taon.

Mula sa mga basura na ito, 25.22% o 42,982.95 kilo ng basura kada araw ang maaaring maresiklo. Ayon sa tala, nakakapagresiklo ang bawat barangay ng 18,052 kilos o 10% lamang ng kabuuang koleksyon ng basura.

Upang pataasin ang bilang ng mga nareresiklong basura, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng CENRO ang programang Eco-Caravan noong ika-23 ng Agosto sa Imus National High School (INHS)..

Sa programang ito, iikot ang Tindahan ni Aling Doring sa bawat barangay at subdivision. Dito maaaring palitan ang mga nareresiklong basura ng mga pangunahing pangangailangan at kagamitan sa bahay.

Bukod sa gamit, mayroon ding karagdagang premyo ang mga barangay at homeowners association. Ang mga puntos ng kabuuan ng barangay at subdivision ay iipunin at maaari itong palitan ng dalawang (2) monoblock chairs, portable table, industrial fan, window-type air-condition, 32” television at e-bike.

Sa Eco-Caravan, mas maraming maiipon na basura, mas maraming maiuuwing kagamitan.

4605total visits,1visits today

Add Comment