CENRO: Usapang Kalinisan at Kapaligiran

CENRO: Usapang Kalinisan at Kapaligiran

Sa Lungsod ng Imus patuloy ang kampanya para sa isang ligtas at malinis na kapaligiran. Kabilang na rito ang BIODEGRADABLE WASTE SEGREGATION AND COLLECTION upang matugunan ang suliranin sa humigit kumulang na 30% ng nabubulok na basura. Sa programang ito, naglaan ng 2 garbage truck upang hakutin ang mga nabubulok na basura sa 22 barangay na binubuo ng 43 subdivisions at 2 public market. Ang mga nahahakot na nabubulok na basura ay dinadala sa composting facility na matatagpuan sa Malagasang 1-A. Ito ang pinakamalaking composting facility sa Lalawigan ng Cavite na may sukat na 2,300 square meters.

Upang mapabilis ang pagkocompost, isa pang composting facility ang itinayo ng Pamahalaang Lungsod sa Ecology Center sa Buhay na Tubig. Sa kasalukuyan, humigit kumulang na anim na tonelada na mga nabubulok na basura ang pinoproseso sa mga composting facility sa lungsod araw araw.

Para sa pagbawas ng mga residual o plastic waste sa Imus, ating inilunsad ang BASURAFFLE noong taong 2017. Ngayon, tayo ay mayroong 35,724 kilos na koleksyon mula sa 81 na barangay na aktibong nakikilahok sa programa.

Sa programang ito, ang mga plastic waste ay dinadala sa Villar Foundation upang gawing arm chair na ipinamamahagi sa mga pampublikong paaralan ng elementarya at sekondarya sa lungsod.

Bahagi rin ng mga inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod ang paggawa ng ECOLOGICAL BRICKS, BAYONG AT PITAKA na nagmula naman sa mga maaayos na plastic wrapper mula sa mga pabrika. Ang mga produktong ito ay bunga ng mga isinasagawang RECYCLING PROJECT at LIVELIHOOD PROGRAM na ibinababa rin sa bawat barangay, paaralan at subdivisions.

Kaugnay nito, taong 2018, malaking bilang ng plastic residual ang dinadala sa Solid CEMEX Corporation, isang pagawaan ng semento kung saan ang plastic wastes ay ginagamit na panggatong. Ang teknolohiyang ito ay kinikilalang ligtas ng National Solid Waste Management Commission.

Kaisa rin ng Pamahalaang Lungsod ang mga pampublikong paaralan sa lungsod sa pagsasagawa ng EKOOPERATIBA, kung saan pinapalitan ang mga recyclable waste ng pera para sa kanilang kooperatiba. Sa murang edad pa lamang ay tinuturuan na ng programa ang mga kabataan na magresiklo at mag-impok, na nagbigay daan upang kilalanin ito ng Department of Natural Resources bilang National Best Innovation Project for School-Base Sa kasalukuyan, mayroong anim (6) na paaralan na nakikiisa sa programa.

Sa pamamagitan ng kampanyang ito, nakapagtayo na rin ang ilang subdivisions ng sariling Material recovery Facility (MRF) kabilang na ang Jade Residence, Malagasang I-G, Maricris Complex at ilang subdivisions pa sa Barangay Anabu II-F.

Sa tulong ng mga programang ito, nababawasan ang mga tinatapon na basura, nalilinis ang kapaligiran at napapakinabangang muli ang mga basurang itinatapon lamang.

Ito ay ilan lamang din sa mga programa ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) na nagbunga sa pagkakakilanlan ng Imus bilang Environmental Compliance Audit (ECA) Platinum Awardee.

Ang problema sa basura, basta tulong-tulong at sama-sama, lahat ay makakaya!

 

668total visits,19visits today

Add Comment