#BAYANIhan: Sama-sama. Tulong-tulong.

#BAYANIhan: Sama-sama. Tulong-tulong.

Sa bawat umaga, tanaw natin ang kumakaway na panibagong pag-asa.

Gumigising na may panatag na loob sa trabahong pinapasukan, na pagkatapos ng bawat araw muli tayong makakabalik ng ligtas sa ating mga tahanan.

Ang mga ugong ng sasakyan na naririnig sa kalsada, ang makukulay at nagliliwanagang ilaw na natatanaw sa paligid, ang hindi mabilang na taong nakakasalamuha araw-araw, ang mga pasyalan na madalas na pinupuntahan kasama ang pamilya at mga kaibigan.

Nasaan na nga ba ang mga bagay at kagawiang nakasanayan?

Ang mga magagandang ngiti na sumasalubong sa atin, ang mga tapik sa balikat na nagsasabi sa ating “kaya mo yan,” ang mga hindi natatapos na kumustahan at masasayang kwentuhan.

Kailan natin ito muling masisilayan?

Ang mga pinaghirapang itaguyod, ang mga nilaanan natin ng oras, pera at pagod.

Paano na natin ito muling maibabangon?

Sa kinakaharap natin ngayon, maraming nagbago. Tila ba tumigil ang ikot ng mundo.

Pilit na naghahanap ng kasagutan sa maraming katanungan. Pilit na bumabangon sa mga pagsubok ng kahapon.

Sa panahon ng kawalan, kailangan natin ng masasandalan, isang matibay at matatag na kakapitan.

Mga kumakalinga sa bawat araw na tayo ay walang-wala, mga naghahatid ng pag-asa sa mga oras na tayo ay lubos na nababalisa.

Walang mabigat na pasanin basta sama-sama natin itong iaahon at dadalahin.

Kapit-bisig na humaharap sa hamon ng bawat bukas.

Wala man itong kasiguraduhan, wala mang tiyak na paroroonan, patuloy tayong lumalaban sa ikot ng buhay, dahil mayroon tayong kaagapay.

Sa ating araw-araw na sakripisyo, baon natin ang pangako ng isang magandang kinabukasan.

Unti-unting sumisibol ang pag-asa dahil naniniwala tayo sa kakayahan ng bawat isa.

May mga pagkakataon mang pinanghihinaan, ngunit patuloy tayong magiging lakas ng isa’t isa. Ito ang ating magiging sandata.

Maliit man o malaki, may magagawa tayo. Marami man o kaunti, may maibabahagi tayo.

Ang bawat isa ay mahalaga dahil lahat tayo ay may natatanging kontribusyon para ang ating bayan ay maiahon.

Malayo pa man ang tatahakin. Marami pa mang pagsubok ang susuungin. Ang pinagsama-samang lakas ng bawat isa ay hinding-hindi kayang tibagin.

Sama-sama nating tahakin ang panibagong bukas. Panibagong araw. Panibagong pag-asa.

Tulong-tulong nating ibangon ang bayan, iahon ang buhay ng bawat isang mamamayan.

Darating din ang araw na ang lahat ng ito ay ating malalagpasan. Ating makakamit ang maliwanag at inaasam na kinabukasan.

Food Supply

  • 106 Mobile Markets
  • 95 community markets
  • Online Pamilihan by YES Cooperative

Social Services

  • 414,128 food packs (barangay)
  • 64,078 food packs for indigent families and 4P’s members
  • 13,784 food packs for PWDs
  • 2,996 food packs for solo parents
  • 7,548 Biscuits and Juices
  • 13,314 boxes of Vitamin C
    • 26,570 senior citizen recipients (first wave)
    • 26,667 senior citizen recipients (second wave)
  • 25,912 Senior Citizen Subsidy (Php 1,000)
  • 57,296 First Tranche DSWD SAP Payout (Php 6,500)
  • Distribution of NFA Rice

Peace and Order

  • Checkpoint and strict implementation of Community Quarantine
  • Patrolling of Imus PNP in every barangay
  • Cluster schedule and lockdown days

Transportation

  • Free shuttle service to frontliners in NCR and in the City of Imus
    • Van – 30 drivers, 30 assistant drivers
    • Shuttle – 25 drivers
  • Free public transportation
    • Tricycle – 1,500 drivers
    • E-trike – 20 drivers
    • Multi-cab – 10 drivers
    • 2,572 commuters per day

Health

  • City of Imus Molecular Laboratory (Covid-19 Testing Facility)
  • 24/7 emergency hotlines
  • City of Imus Field Hospital
  • Staging Areas for Persons Under Investigation (PUIs)
  • Testing booth for frontliners, Persons Under Investigation (PUIs) and most vulnerable sector of the community
  • Free Covid-19 Testing
  • Financial support to Covid-19 patients and deceased

Labor and Employment

  • 44 TUPAD Program beneficiaries
  • Close coordination with business establishments:
    • Orientation on Incident Command System
    • Covid 19 Measures for Business Operation under New Norm
    • Online Orientation on Adapting to the New Norm : Imus Business Operations under GCQ

Disinfection and Sanitation

  • Decontamination Tents at Imus Public Market, Ospital ng Imus and other public government facilities
  • Sanitation, disinfection and misting of public areas

Government Workers

  • Free shuttle service to City Government of Imus employees
  • Early release of full salary to regular and job order employees
  • Hazard pay

New normal

  • E-Wagayway Festival
  • Online Kwentuhan sa Plaza
  • Webinars
  • Online government transactions

Other programs

  • Protective paraphernalia at Ospital ng Imus and health offices in the City of Imus
  • Face shields, alcohol, masks, gloves and personal protective equipment (PPE) for frontliners
  • Imus Expanded SAP – Php 6,500, Lingap Imuseño – Php 2,000
  • Tax Discount and Extension on Real Properties and Businesses
  • Plant Plant Plant Program
  • 12,000 Travel Pass

Damayan. Bayanihan.

24total visits,2visits today

Add Comment