#BangonBicolandia: Imus, Naghatid ng Tawid Tulong sa mga Nasalanta ng Bagyong Rolly

#BangonBicolandia: Imus, Naghatid ng Tawid Tulong sa mga Nasalanta ng Bagyong Rolly

Katuwang ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), naghatid ng Tawid Tulong ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pangunguna ni Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly sa Virac, Catanduanes noong ika-17 ng Nobyembre.

Sa tala, ang Bayong Rolly (International name: “Goni”) ang pinakamalakas na tumamang bagyo sa bansa sa taong 2020 at nakasentro sa Bicol Region.

Nagdulot ito ng matinding pinsala sa ilang mga kabahayan, paaralan, ospital at ilan pang pasilidad sa nasabing rehiyon.

Bilang tugon, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan kabilang na ang bigas, de lata, banig, balde, kumot, tabo, vitamins, first aid kit, face mask, bota, raincoat at life vest.

Ayon kay Mayor Maliksi, mahalaga ang pagbabayanihan upang sama-samang makaaahon ang bawat isa. “Mananatiling matatag tayong mga Pilipino sa pagharap sa mga pagsubok at mananatiling buhay ang puso namin sa Pamahalaang Lungsod para sa pagseserbisyo sa inyo,” aniya ng Punong Lungsod.

Ipinaabot din ng Pamahalaang Lokal ng Virac, Catanduanes ang pasasalamat nito sa Imus para sa tulong na ibinahagi nito sa mga nasalanta.

Patuloy mang dumarating ang mga pagsubok, naniniwala ang Pamahalaang Lungsod ng Imus na malaking bahagi ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa upang malagpasan at mapagtagumpayan ito.

 

Sa ating pagtutulungan, malalagpasan at mapagtatagumpayan natin ito.

Tayo ay nakikidalamhati sa ating mga kababayan sa Bicol Region na nasalanta at higit na naapektuhan ng bagyong #RollyPH. Kaisa niyo kami sa puso at sa panalangin.

Sa anumang pagsubok na ating nararanasan, naniniwala tayo na mangingibabaw pa rin ang ating pagiging Pilipino – ang pagbabayanihan at pagmamalasakit sa ating kapwa.

Tayo rin ay lubos na nagpapasalamat sa paghina ng bagyo at napanatili ring ligtas ang bawat isa.

Dalangin natin na walang karagdagang pinsala ang maidulot nito sa ating lungsod at sa buong bansa.

Sama-sama tayong babangon. Sinusubok man tayo ng nararanasan nating pandemya at ng mga kalamidad, hindi tayo susuko.

69total visits,6visits today

Add Comment