Bagong Service Vehicles, Katuwang ng Pamahalaang Lungsod sa Serbisyo Publiko

Bagong Service Vehicles, Katuwang ng Pamahalaang Lungsod sa Serbisyo Publiko

Kuha mula sa blessing ng mga bagong service vehicle ng lungsod sa Imsu City Plaza. (Mula sa kaliwa) City Mayor Emmanuel L. Maliksi, Congressman Alex “AA” L. Advincula at City Vice Mayor Arnel M. Cantimbuhan

Blessing ng bagong water tank sa pangunguna ni Bishop Reynaldo G. Evangelista kasama ang mga bumubuo sa Pamahalaang Lungsod.

LUNGSOD ng Imus – Noong Enero 8, 2018 isinagawa ang blessing ng mga bagong service vehicle ng lungsod sa Imus City Plaza sa pangunguna ni Bishop Reynaldo G. Evangelista, Congressman Alex “AA” L. Advincula, City Mayor Emmanuel L. Maliksi, Vice Mayor Ony M. Cantimbuhan, Sangguniang Panlungsod at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod.

Kasama sa walong (8) bagong service vehicles ang 10-wheeler self-loader, boom crane truck, 6-wheeler fire truck, 10-wheeler fire truck, road sweeping truck, water tank, wheel excavator with dozer blade, multicab at wheel loader.

Turnover ceremony ng bagong service vehicle sa Permits and Licensing Division. (Mula sa kaliwa) Congressman Alex “AA” L. Advincula, City Mayor Emmanuel L. Maliksi, BPLO Unit Head Ms. Jasmin Ramos at City Vice Mayor Ony Cantimbuhan.

Ito ay nasa ilalim ng pangangalaga ng iba’t ibang tanggapan sa Pamahalaang Lungsod kabilang na ang City Engineering Office, City Environment and Natural Resources Office (CENRO), Permits and Licensing Division at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Ang mga service vehicle na ito ay makakatulong sa Pamahalaang Lungsod upang maisagawa ang programa nito sa kalinisan, imprastraktura, inspeksyon ng mga business establishment at maging sa pagresponde sa mga sakuna.

Kasunod ng mga service vehicle na ito ang tatlong (3) police patrols na inihandog sa Philippine National Police (PNP) – Imus upang matulungan ang tanggapan sa pagpapaigting ng seguridad sa lungsod. Ang blessing nito ay isinagawa noong ika-15 ng Enero bilang bahagi ng programa ng isinagawang flag raising ceremony ng Pamahalaang Lungsod.

Matatandaan din na noong taong 2017 ay nagsagawa ang pamahalaan ng blessing para sa mga naunang service vehicles na mabilis namang ibinigay sa pangangalaga ng iba’t ibang tanggapan sa Pamahalaang Lungsod upang agad ring makatulong ang mga ito sa pagsasakatuparan ng mga programa ng pamahalaan.

Ilan lamang ito sa mga proyekto ng Pamahalaang Lokal na tutulong sa paghahatid ng epektibong lingkod mamamayan sa lungsod. Nais ng pamahalaan na tulungan ang mga tanggapan upang matulungan din nito ang mga mamamayang nangangailangan.

531total visits,1visits today