ALS Graduate, Nagtapos sa Kolehiyo bilang Cum Laude

ALS Graduate, Nagtapos sa Kolehiyo bilang Cum Laude

Lungsod ng Imus – Nagtapos si Patricia Maureen J. Tamura, isang ALS graduate, bilang Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Electronic Engineer (BSECE) nitong nakaraang Hunyo sa AMA Computer College-Cavite.

Si Patricia ay sumailalim sa Alternative Learning System (ALS) noong taong 2015. Ito ay isang programang isinusulong ng Administrasyong Maliksi para sa pagpapatuloy ng edukasyon ng mga Imuseño.

Kinilala rin si Patricia sa Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Lungsod noong ika-15 ng Hulyo kung saan kanyang inilahad ang mga pinagdaanan at ang malaking naitulong ng programa para sa pag-abot ng kanyang mga pangarap.

Aniya, malaki ang naiambag ng ALS at ng programa ni Mayor Maliksi para mabago ang kanyang kinabukasan. Dahil dito, kanya ring hinihikayat ang mga out-of-school youth na makilahok sa programa.

Isa sa mga prayoridad ng Pamahalaang Lungsod ang edukasyon ng bawat Imuseño. Dahil dito, tuloy-tuloy ang mga programa para sa kalinangan ng mga kabataan. Bukod sa ALS, bahagi rin ng mga programang pang edukasyon ang Project EMMANUEL kung saan isinusulong ang e-learning sa bawat paaralan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga e-learning materials; Imus Scholar para sa pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga mag-aaral ng sekondarya at kolehiyo; at Recognition Day taunang pagpaparangal sa mga mag-aaral ng elementarya, sekondarya at kolehiyo na nagtapos ng may pagkilala, at ang mga nakapasa sa kani-kanilang licensure examination.

Ito ay ilan lamang sa mga hakbang ng Pamahalaang Lungsod para sa edukasyong abot kamay ng lahat ng mamamayang Imuseño.

 

 

91total visits,1visits today

Add Comment