PANATILIHING MALINIS ANG PALIGID
(KUNG NAKAKARAMDAM NG SINTOMAS NG DENGUE… AGAD KUMUNSULTA SA PINAKAMALAPIT NA HEALTH CENTER)
ISANG PAALALA MULA SA PAMAHALAANG BAYAN NG IMUS
ANU-ANO ANG DENGUE H-FEVER

Ang Dengue H-Fever ay isang nakakahawang sakit na ang sanhi ay “ virus” na ito ay naisalin sa pamamagitan ng kagat ng lamok.
Ang lamok na nakapagsasalin ng Dengue H-Fever ay Aedes Aegypti at Aedes Albopictus, mga uri ng lamok na nangangagat sa araw at nabubuhay sa loob at paligid ng bahay.
Ang isang tao ay maaring magkasakit ng Dengue H-Fever kung siya ay kinagat ng lamok na Aedes Aegypti at Aedes Albopictus na nakakagat ng pasyente na may sakit.
ANU-ANO ANG MGA PALATANDAAN AT SINTOMAS NG DENGUE H-FEVER
Biglaang pagtaas ng lagnat na tumatagal ng 2-7 araw
Pananakit ng mga kalamnan at kasukasua
Panghihina
Pananakit ng ulo
Pagkakaroon ng maliit at mapupulang pantal
Pananakit ng tiyan
Pagdurugo ng ilong at gilagid
Pagsusuka o pagdumi ng maitin ang kulay na dulot ng pagdurugo ng bituka
PAANO MAIIWASAN ANG PAGKAKAROON NG DENGUE H-FEVER
Huwag magiimbak ng anumang bagay na maaaring pag-ipunan ng tubig at pamumugaran ng mga lamok sa loob at labas ng bahay tulad ng mga lata, bote at gulong ng sasakyan at panatilihing tuyo ang kapaligran.
Hugasan at kuskusing mabuti ang mga plorera at iba pang pinaglalagyan ng tubig isang beses sa isang linggo.
Takpan ang mga pinaglalagyan ng tubig upang maiwasan ang pagpasok at pag pangingitlog dito ng mga lamok.
Tingnan at linisin ng regular ang alulod ng bahay upang maiwasan ang pag-iipon ng tubig ulan.
Gumamit ng kulambo habang natutulog sa araw o dili kaya ay lagyan ng “screen” ang mga bintana o pinto ng bahay.
Huwag magbigay ng Aspirin sa taong pinaghihinalaang may sakit na Dengue H-Fever. Iwasan ang makagat ng lamok ang taong may sakit na Dengue H-Fever upang hindi maikalat ang “virus” sa lamok na kakagat uli ng mga taong walang sakit
Ipagbigay-alam sa pinakamalapit na health center kung may pinaghihinalaang kaso ng Dengue H-Fever sa komonidad.