ECA Silver Award, muling Iginawad sa Lungsod ng Imus

ECA Silver Award, muling Iginawad sa Lungsod ng Imus

Pagtanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ng Environmental Compliance Audit 2017

Silver Award

Ika-4 ng Disyembre, 2017 – Muling kinilala ang Lungsod ng Imus sa ikatlong pagkakataon sa patimpalak ng Department of the Interior and Local Government Unit (DILG) para sa Environmental Compliance Audit (ECA) na isinagawa sa Alta D’ Tagaytay Hotel.

Tropeyo at sertipiko na nakuha ng Pamahalaang Lungsod

Tatalong magkakasunod na taon nang tumatanggap ang Imus ng ganitong patimpalak sa larangan ng environmental conservation. Dito nasasailalim ang mga epektibong programa ng lungsod para sa preserbasyon at rehabilitasyon ng Manila Bay kasunod ng pagpapatupad at pagsunod nito sa Ecological Waste Management Act of 2000.

Masayang tinanggap ni City Mayor Emmanuel L. Maliksi ang pagkilala kasama si Kon. Argel Reyes bilang Committee Chair on Environmental Protection and Ecology, Imus CLGOO G. Ronald Mojica, OIC – City Environment and Natural Resources Office (CENRO) G. Antonio Bernan Dela Cruz, City Planning and Development Officer Engr. Rodel Pelaez at City Engineer G. Christian Mervin Sarno.

Aniya, ang pagkakaisa ng mga lingkod publiko ng Imus ang susi sa patuloy na pag-ani nito ng mga parangal mula sa iba’t ibang pribado at pampublikong tanggapan.

Malaki rin ang kontribusyon ng patuloy na pagsuporta ng mga mamamayang Imuseño sa mga proyekto ng pamahalaan lalong higit sa kalinisan at pangangalaga sa kapaligiran na

Mula sa kaliwa: Engr. Rodel Pelaez, G. Antonio Bernan Dela Cruz, City Mayor Emmanuel L. Maliksi, Kon. Argel Reyes, G. Ronald Mojica, Engr. Christian Mervin Sarno at kawani ng DILG.

siyang nakapaloob sa eight-point agenda ni Mayor Maliksi. Patunay rito ang isingawang Imus River Cleanup kasama ang mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod, mga opisyales ng barangay at mga eco-aide bilang bahagi ng selebrasyon ng International Coastal Cleanup.

Ang ECA Conferment ay taunang isinasagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) upang pagtuunan ng pansin ang mga isyung pangkapaligiran at mahikayat pa ang ibang bayan na makiisa sa programang pangkalinisan.

515total visits,2visits today