3-Day Camp, Isinagawa para sa ika-10 Batch ng IYLDP

3-Day Camp, Isinagawa para sa ika-10 Batch ng IYLDP

Noong ika-29 ng Nobyembre, nagsimula ang taunang “3-day Camp” ng mga kabataang Imuseño bilang bahagi ng Imus Youth Leadership Development Program (IYLDP) na ginanap sa Maliksing Kabataan Building.

Kabilang sa mga talakayang isinagawa para sa unang araw ang Adolescent Health na pinangunahan ni Bb. Herminia Saprid-Austria ng City Population and Development Office. Ipinamalas din ng mga kabataan ang kanilang husay sa larangan ng palakasan at pamumuno sa isinagawang team building activity at socialization night.

Sa ikalawang araw, tampok sa mga isinagawang aktibidad ang Amazing Race kung saan ang mga kalahok ay nahati sa mga grupo at umikot sa iba’t ibang estasyon. Layunin ng aktibidad na pagtibayin ang kakayahan ng mga kabataan na mamuno at paigtingin ang kultura ng bayanihan sa bawat isa.

Nagkaroon din ng meeting de avance ang dalawang partido, Sumi at Siklab Party na naglalaban para sa posisyon ng Junior City Mayor, Junior City Vice Mayor at Junior City Councilors.

Sa huling araw, isinagawa ang eleksyon para sa mga tumakbong kandidato kung saan tinanghal si Kenneth Carl Mabingnay ng Sumi Party bilang Junior City Mayor at Marcus Vyenn G. Irlandez bilang Junior City Vice Mayor.

Pinangalanan din ang ika-10 batch ng IYLDP na ‘Delikampayon’ mula sa dalawang salita na dekada at malipayon, na nangangahulugan ng ‘sampung taong kasiyahan’.

Nagtapos ang 3-Day IYLDP Camping sa pamamagitan ng isang boodle fight na siyang bahagi na ng tradisyon ng nasabing aktibidad.

Junior City Mayor:

Mabingnay, Kenneth Carl D. (21 votes)

Junior City Vice Mayor:

Irlandez, Marcus Vyenn G. (51 votes)

Junior 3rd District Rep:

Gillera, Zynnah Joi F. (Top 1 on Exam)

1st Junior City Councilor:

Aguila, Andrei Josh V. (Hon. Adrian Jay C. Advincula)

2nd Junior City Councilor:

Empleo, Ma. Concepcion A. (Hon. Larry Boy S. Nato)

3rd Junior City Councilor:

Sibayan, Bianca Jan J. (Hon.Lloyd Emman D. Jaro)

4th Junior City Councilor:

Clarin, Lamsel Fiona M. (Hon. Argel Joseph E. Reyes)

5th Junior City Councilor:

Esparagoza, Shaana Andrea R. (Hon. Leonardo Antonio O. Deocadis)

6th Junior City Councilor:

Dumoran, Jastine I. (Hon. Vince paul L. Amposta)

7th Junior City Councilor:

Dayrit, Audrie Rose C. (Hon. Darlon Jay S. Sayarot)

8th Junior City Councilor:

Yap, Denice Kairine A. (Hon. Edgardo T. Saquilayan)

9th Junior City Councilor:

Tagra, Chloe Roscelia A. (Hon. Raymond S. Arguelles)

10th Junior City Councilor:

Soriano, Alexa Nice C. (Hon. Exequiel B. Ropeta)

11th Junior City Councilor:

Bautista, Yzabelle C. (Hon. Emilio S. Aguinaldo V)

12th Junior City Councilor:

Clores, Jon Matthew A. (Hon. Thertito V. Monzon)

ABC Pres.:

Bagtas Romina B. (Hon. AJ Sapitan)

SK Federatiom Pres.:

Samoy, Samantha Louise J. (Hon. Joshua Yulo-Guinto)

 

63959total visits,4visits today

Add Comment