158 PWDs, Tumanggap ng Educational Assistance mula sa Pamahalaang Lungsod

158 PWDs, Tumanggap ng Educational Assistance mula sa Pamahalaang Lungsod

(Mula sa kaliwa) CSWDO Head Ms. Hermana Revilla, RSW, City Mayor Emmanuel L. Maliksi, Kon. Exequiel Ropeta Jr., Imus CLGOO Mr Ronald Mojica at PDAO Head Mr. Allendino Sastre kasama ang mga magulang ng mga benepisyaryo ng PWD Educational Assistance.

Pagbibigay ng mensahe ni City Mayor Emmanuel L. Maliksi at paglalahad ng ilang mga programa ng Pamahalaang Lungsod para sa mga PWD.

Lungsod ng Imus – Sa tulong ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) nabigyan noong Marso 27 ang 158 na persons with disability (PWD) ng tulong pinansyal para sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.
Katuwang ng PDAO sa programang ito ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at Local Council for the Protection of Children (LCPC) na pawang nakatutok sa kapakanan at kaunlaran ng mga kabataang Imuseño.

Ang tulong pinansyal na ito ay nagkakahalaga ng Php 2,500 na nakabase sa halaga na ibinibigay ng Provincial Government para sa mga Caviteñong specially abled.
Ang pamamahagi ng educational assistance ng Pamahalaang Lungsod ay nagsimula pa noong taong 2015 sa 100 Imuseño at taunan ng isinasagawa upang mas higit na matulungan ang mga kababayang PWD.

Layunin din ng programa na mahasa pa ang kanilang kakayahan at matugunan ang iba pang pangangailangan nito.

Pamamahagi ng PWD educational assistance sa pangunguna ni Mayor Maliksi.

Sa pahayag ni City Mayor Emmanuel L. Maliksi, kanayang ibinahagi ang malaking partisipasyon ng mga magulang sa pagsasakatuparan ng mga programa at adbokasiya ng Pamahalaang Lungsod na magbibigay prayoridad sa mga pangangailangan ng PWDs.

 

Pasasalamat ni Mr. Allendino Sastre, PDAO Head sa mga magulang na dumalo at pagpapaliwanag tungkol sa isinagawang programa bilang tulong sa pag-aaral ng mga PWD sa lungsod.

Bukod sa educational assistance, nagsasagawa rin ang PDAO ng mga programa sa pagpapamalas at paghahasa ng talento at kakayahan ng mga specially abled na mga Imuseño. Nagpapamahagi rin ang tanggapan ng mga gamit, grocery packs at serbisyong medikal bilang tulong sa kanilang maayos na pangangatawan at kalusugan.

Malaki rin ang pagpapahalaga ng kasalukuyang administrasyon sa edukasyon. Dahil dito, patuloy ang pagsasagawa ng Pamahalaang Lungsod ng mga programang magbibigay sa bawat Imuseño ng kakayahang makapag-aral at makapagtamo ng kalidad na edukasyon.

Patuloy na nagsusumikap ang pamahalaan na paramihin ang bilang ng mga natutulungan nito at iangat ang pamumuhay ng mga Imuseño lalong higit ang mga specially abled na kababayang Imuseño na napapaloob sa ika-walong agenda ng pamamahala ng administrasyon.

106total visits,1visits today